MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Marinduque Congw. Regina Reyes na hindi niya kikilalanin ang inilabas na desisÂyon ng Supreme Court (SC) na nagdidiskwalipika sa kanya at nagpapaalis sa kanyang puwesto.
Sa Press statement na pinadala sa sumulat nito, sinabi ni Congw. Reyes, inaasahan na niya ang desisÂyon ng SC lalo na’t ang ama ng kaniyang katunggali na si Lord Allan Velasco ay isa sa senior justices ng Kataas-taasang Hukuman.
Ayon kay Congw. Reyes, ang House of Representatives Electoral Tribunal (HRET) na ang may hurisdiksyon sa kaniyang kaso at doon nila idedepensa ang kanyang kaso.
Kumpiyansa si Congw. Reyes na sa HRET ay mabibigyan sila ng sapat na pagkakataong idepensa ang kanilang kaso.
Sa ngayon, mas magpo-focus aniya sila sa mga positibong bagay at hindi sa negatibo, tulad ng pagsulat ng mga resolusyon na makakatulong sa tao at sa bansa.
Wala pa naman sa plano pa ni Congw. Reyes ang pagsasampa ng impeachment complaint laban kay Justice Velasco.
Paliwanag ng mambabatas na miyembro siya ng House Committee on Justice na siyang dumidinig sa mga impeachment complaint.
Si Congw. Reyes ay lamang ng halos 4,000 boto mula sa katunggaling si Lord Allan Velasco noong nakalipas na 2013 midterm election.