MANILA, Philippines - Habang papalapit ang barangay election ay patuloy na tumataas ang election related violence sa ilang mga lalawigan, makaraang anim na kandidato ang dinukot ng 30 armadong mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Sabud, Loreto, Agusan del Sur nitong Huwebes.
Sinabi ni Captain Alberto Caber, Spokesman ng AFP-Eastern Mindanao Command (AFP-EasÂtern Mindanao ), alas-9 ng umaga ng sumalakay ang mga rebelde sa nasabing lugar at isagawa ang pagdukot sa mga biktimang sina. Lito Andalaque, Balaba Andalaque, Reynaldo Piodos, Marvin Bantuasan, Gina Bantuasan at Pepe Subla; pawang miyembro ng Tribong Lumad na aktibong kandidato sa posisyon sa barangay sa kanilang lugar.
Ayon kay Caber, hinarass ng mga rebelde ang isang detachment ng militar sa lugar at sumunod namang sinalakay ang Brgy. Sabud kung saan tinutukan ng baril at saka binihag ang mga biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon, maaaring nais umano ng mga rebelde na impluwensyahan ang gaganaping Brgy. polls sa lugar sa darating na Lunes kaya binihag ang mga biktima na kalaban umano ng mga kandidatong sinusuportahan ng naturang grupo.
Sugatan naman sa pagÂhabol sa mga rebelde ang isang sundalo na kinilaÂlang si Pfc Jose Gil Cabillo, miyembro ng Army’s 26th Infantry Battalion (IB).
Kaugnay nito, bumuo na ng Crisis Management Committee (CMC) ang pamahalaang lokal ng bayan ng Loreto para sa ligtas na pagpapalaya sa mga biktima. Kasabay nito, nanawagan si Pangulong Benigno Aquino III sa taumbayan na makiisa para sa tahimik at mapayapang pagsasagawa ng barangay elections. Isinailalim na sa red alert ng pulisya ang buong bansa simula kahapon at hinihikayat ang publiko na pumili ng karapat-dapat na barangay leader sa kanilang komunidad. Inaasahan din aniya ng pangulo na hindi na tataas pa ang insidente ng karahasan na may kaugnayan sa eleksiyon.