MANILA, Philippines - Iginiit ni Senador Francis “Chiz†Escudero na hindi maaring katawanin ni Manila Mayor Joseph “Erap†Estrada ang buong bansa at mismong si Pangulong Benigno Aquino III sa plano niyang paghingi ng tawad sa gobyerno ng Hong Kong kaugnay sa nangyaring hostage crisis sa Quirino Grandstand noong 2010 kung saan ilang Chinese nationals ang namatay.
Ayon kay Escudero ang maari lamang ikatawan ni Estrada ay ang lungsod ng Maynila dahil siya ang mayor dito pero hindi ang buong bansa at lalong hindi si Aquino.
Pero aminado ang senador na hindi lamang niya alam kung maaring pagbawalan si Estrada sa balak niyang gawin lalo pa’t may kapangyarihan din naman ito bilang mayor ng Maynila.
Kung may maitutulong aniya ang gagawing hakbang ni Estrada, ay depende pa rin ito sa kung sino ang tatanggap ng resolusyon ng city council ng Maynila.
Aminado rin si Escudero na hindi naman maitutuÂring na insubordination ang gagawin ni Estrada dahil wala namang batas na nagsasabi ng bawal magpasa ng resolusyon ang isang local government unit kaugnay sa isang isyu na taliwas sa paniniwala ng Pangulo ng bansa.
“Kung ang tanong mo siguro insubordination ba yon, ang tingin ko ay hindi, may autonomy ang local government units na gawin kung ano yung nais nilang gawin, kabilang ang pagpasa ng resolusyon kaugnay nyan. Wala akong nakikitang pagbabawal na nagsasabing bawal tumaliwas ang opinyon ng isang LGU sa naging stand ng Presidente kaugnay sa isang isyu,†pahayag ni Escudero.