MANILA, Philippines - Upang matiyak na hindi takasan ang kanilang mga kaso kaya pinakakansela ng Department of Justice (DOJ) sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pasaporte ng mga senador, kongresista at iba pang personalidad na kinasuhan kaugnay ng pork barrel scam.
Kabilang sa mga pinakakanselang passport ay kina Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla na nahaharap sa kasong plunder.
Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, may kabuuang 37 indibidwal ang kanilang hiniling na tanggalan ng pasaporte ng DFA kabilang na rin sina Atty. Jessica Lucila “Gigi†Reyes na dating chief of staff ni JPE at Rubi Tuazon, dating Social Secretary ni dating Pangulong Joseph Estrada.
Sina Reyes at Tuazon ay sinasabing umalis ng bansa noong Agosto at hindi pa bumabalik hanggang sa kasalukuyan.
Setyembre 16 nang kasuhan ng DOJ sa Office of the Ombudsman ang 37 indibidwal na may kinalaman umano sa P10 bilyong pork barrel scam at Malampaya Fund Scam.
Kasama na rito ang itinuturong utak na si Janet Lim-Napoles na nakakulong na sa Fort Sto. Domingo sa Laguna dahil sa hiwalay na kaso ng serious illegal detention.
Idinagdag ni De Lima na ang basehan nang paghiÂling na kanselahin ang pasaporte ng mga personalidad ay hindi ang pagiging takas nila sa batas dahil wala pa naman silang kaso sa korte.