11 akusado sa Maguindanao massacre, not guilty

MANILA, Philippines -Labing-isang akusado sa Maguindanao massacre ang binasahan nang sakdal kahapon kaugnay ng kasong multiple murder case.

Tanging si Alimudin Sanguyod, kilala sa mga alias na Norudin Malang at Norudin Garaputay ang nagpasok ng guilty plea habang ang 10 na sina Moktar Daud, Mohades Ampa­tuan, Macton Bilungan, Misuari Ampatuan, Tato Sampogao, Taya Bangkulat, Salik Bangkulat, Ibrahim Tatak, Norman Tatak, at Maot Dumla ay korte na lang ang nagpasok ng not guilty plea.

Noong nakaraang Mayo ay hindi naituloy ang arraignment sa mga akusado ni QC RTC Presiding Judge Jocelyn Solis-Reyes dahil sa naka-pending na reso­lusyon sa mga mosyon na naisumite ng mga akusado sa Department of Justice (DOJ) at sa QC court.

Magugunitang may 58 katao ang namatay kabilang ang 32 mediamen sa naganap na masaker  sa Maguinda­nao noong Nobyembre 23, 2009.

Show comments