Opisyal ng AFP pinaaaresto sa Jonas Burgos case
MANILA, Philippines -Pinaaaresto ng QC Court si Major Harry Baliaga Jr., ng Armed Forces of the Philippines kaugnay ng kasong arbitrary detention na naisampa laban sa kanya kaugnay nang pagkawala ng political activist na si Jonas Burgos noong 2007.
Pinayagan naman ng korte na makapaglagak ng piyansa si Baliaga ng halagang P40,000 para sa pansamantalang kalayaan nito.
Bukod kay Baliaga, akusado rin sina dating AFP chief of staff Hermogenes Esperon, dating Army chief Lt. Gen. Romeo Tolentino, Lt. Gen. Alexander Yano, at dating PNP chief Avelino Razon dahil sa kasong obstruction of justice at Colonel Melquiades Feliciano at Colonel Eduardo Año.
- Latest