Bakbakan: 2 Cagfu, 1 NPA todas

MANILA, Philippines -Napatay sa bakbakan ang 2 CAFGU at isang mi­yembro ng New People’s Army (NPA)   habang apat ang nasugatan nang magsagupa ang mga ito kamakalawa sa Brgy. Esperanza, Agusan del Sur.

Batay sa ulat, bandang alas-8:30 ng umaga nang makasagupa ng Delta Company ng Army’s 23rd Cadre Battalion  ang hindi pa mabilang na mga rebelde sa liblib na bahagi ng Sitio Akday, Brgy. Guadalupe ng nasabing bayan.

Agad na nagkaroon ng 45 minutong bakbakan na ikinasawi ng dalawang CAFGU at isang rebelde habang tinatangkang iligtas ang mga sibilyang naipit sa palitan ng putok.

Show comments