MANILA, Philippines -Dahil sa umano’y pagiging “late†at pagliban sa trabaho kung kaya’t sinibak sa kanilang puwesto ang 8 pulis na nakatalaga sa Police Community Precinct-Muntinlupa City.
Ayon kay Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Jose Erwin Villacorte ang pagkakasibak sa kanyang mga tauhan ay nang magsagawa ng command conference si National Capital Regional Police director, Chief Supt. Marcelo Garbo sa Muntinlupa Police at abutan na late at ang iba naman ay absent.
Inamin naman ni P/Chief Insp. Samuel Hilotin, hepe ng Muntinlupa PCP 5 Ayala-Alabang na siya ay tinanggal sa puwesto kasama sina Chief Insp. Dick Manabat ng PCP 4 at isang Chief Insp. Curesma, hepe ng PCP 1 at kanilang mga tauhan.
Inilagay sa “floating status†ang naturang mga pulis sa NCRPO Headquarters.