MANILA, Philippines -Halos nasa P1 bilyon na ang pinsala ng 7.2 magnitude ng lindol na tumama sa Central Visayas at nasa 194 na ang naitatala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang nasasawi.
Tumaas naman sa 605 ang mga nasugatan habang 11 na lamang ang nawawalang katao mula naman sa Loon, Sagbayan, Inabanga, Balilihan at Clarin; pawang sa lalawigan ng Bohol.
Aabot na rin sa 588,564 pamilya o kabuuang 2,945,963 katao sa may 1,282 barangay sa 52 munisipalidad, anim na siyudad sa anim na lalawigan sa Region VI at Region VII ang naapektuhan.
Habang isinusulat ang balitang ito ay nakapagtala na ang PHILVOCS ng kabuuang 2,384 aftershocks.