MANILA, Philippines - Inaresto ng mga otoridad ang 13 mangingisdang Vietnamese nang maaktuhan na illegal na nangiÂngisda sa karagatan ng Palawan at nang halungkatin ang bangka ay nahulihan ang mga ito ng “frozen sea turtle†kahapon.
Sa ulat, ang nasabing mga Vietnamese na hindi marunong magsalita ng Ingles ay naaresto ng mga operatiba ng PNP-Maritime Group sa karagatan ng Balabac, Palawan.
Ang nasabing mga Vietnamese ay illegal na pumasok sa teritoryo ng karagatan ng Pilipinas na nanghuli ng mga pawikan umpisa pa noong Oktubre 18, base na rin sa report ng mga mangingisdang Pinoy.
Ang mga patay na pawikan ay nakalagay sa freezer sa sinasakyan ng mga itong bangkang pangisda ng mahuli ng mga otoridad.
Alinsunod sa batas, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga dayuhang mangingisda sa teritoryo ng karagatang nasasakupan ng Pilipinas.