MANILA, Philippines - Hinimok ng isang mambabatas si Pangulong Noynoy Aquino na sibakin na ang pinuno ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Manila International Airport Authority (MIAA).
Ayon kay Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, muling naiboto bilang “worst airport†sa buong mundo ang NAIA sa loob ng dalawang magkasunod na taon.
Giit ni Gatchalian dapat na sibakin ni PNoy si GeÂneral Manager Jose Angel Honrado at iba pang opisyal ng NAIA at MIAA dahil sa kabiguan ng mga ito na matugunan ang mga problema sa paliparan at iba pang airport sa bansa.
Base sa travel site na “The Guide to Sleeping in Airports†na inilabas noong Oktubre 15 ang NAIA terminal 1 ang pinaka worst na paliparan sa buong mundo at sa Asya.
Nanguna na rin ang NAIA sa listahan noong 2011 habang pang lima naman noong 2010.
Sinabi ni Gatchalian, kung sisibakin ng Pangulo at papalitan ng bagong mamumuno ang NAIA ay posibleng mawala na sa listanan sa ‘worst airport’ ang nasabing paliparan.