^

Police Metro

Apo ng reporter kritikal sa bugbog ng 2 classmate

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa pagamutan ang isang 9-anyos na apo ng isang tabloid reporter makaraang pagtulungang bugbugin ng dalawa niyang kaklase sa loob ng paaralan sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.

Ginagamot ngayon sa Children’s Hospital makaraang magtamo ng pinsala ang atay at baga ang biktimang si Fred Mendoza, grade 4 pupil ng Tañong Unit I Elementary School.  Ang biktima ay apo ni Maeng Santos, reporter ng pahayagang Bulgar.

Nakatakdang ipagharap naman ng reklamo ang mga magulang ng mga kaklase ng biktima na nasa edad 9 at 11-taong gulang.

 Sa ulat ng Malabon City Police, nag­lalaro ang biktima sa school grounds dakong alas-10:30 ng umaga habang “break time” nang lapitan ng dalawang kakalse at tuksuhin ito. Hinubaran pa umano ng isa sa mga suspek si Mendoza habang sinuntok at sinipa ito sa sikmura ng isa pa.

 Dito umano pumalahaw ng iyak at namilipit sa sakit ng tiyan ang biktima kaya siya binitiwan ng mga suspek, umuwi sa kanilang tahanan at nagsumbong sa mga magulang.

Kinagabihan ay  patuloy na nangi­nginig sa sakit ang biktima, walang tigil sa pag-iyak at mataas ang lagnat kaya napilitan ang mga magulang na isugod na ito sa pagamutan. Dito nabatid sa mga mangagamot na naapektuhan umano ang atay at baga nito dahil sa pambubugbog.

 Patuloy naman ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente ng panibagong pambu-bully kung saan inaalam rin kung may pananagutan dito ang mga guro at pamunuan ng paaralan.

DITO

FRED MENDOZA

GINAGAMOT

MAENG SANTOS

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

UNIT I ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with