^

Police Metro

Death toll sa lindol 180 na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pumalo na sa 180 katao ang nasawi sa 7.2 magnitude ng lindol sa Central Visayas partikular na sa Cebu at Bohol.

Sinabi ni AFP Central Command Spokesman Lt. Jim Aris Alagao, nasa 180 na ang kabuuang naitalang bilang ng mga nasawi kaugnay ng patuloy na search and retrieval operation sa mga lugar na grabeng pininsala ng lindol.

Ayon kay Alagao sa 180 death toll, 167 rito ay sa Bohol, 12 sa Cebu at isa sa Siquijor.

Nasa 12 katao pa ang pinaghahanap na pa­wang mula sa mga bayan ng Loon, Sagbayan at  Clarin; pawang sa lalawigan ng Bohol.

Sa report naman ng National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC), nasa 487 ang sugatan  kung saan 393 rito ay sa Bohol; 89 sa Cebu,  tatlo sa Siquijor, isa sa Iloilo at isa rin sa Negros Oriental.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Eduar­do del Rosario ang lindol ay nakaapekto  sa may 695,466 pamilya o kabuuang 3,492,496 katao sa Central Visayas. Pumalo na sa 1,846 ang naitalang aftershocks sa Bohol at Cebu.

Patuloy naman ang pamamahagi ng relief goods ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga pamilyang naapektuhan sa matinding delubyo ng lindol.

BOHOL

CEBU

CENTRAL COMMAND SPOKESMAN LT

CENTRAL VISAYAS

EXECUTIVE DIRECTOR EDUAR

JIM ARIS ALAGAO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MA

NEGROS ORIENTAL

PUMALO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with