^

Police Metro

20 dedo sa karambola ng 7 sasakyan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang 20 katao habang 46 naman ang nasugatan makaraang magsalpukan ang pitong sasakyan kabilang ang dalawang pampasaherong bus na naganap sa Diversion Road, Bry. Sta Catalina,  Atimonan, Quezon, kahapon ng madaling araw.

Nabatid mula kay Chief Insp. Jonar Yupio, hepe ng Atimonan Police, bandang ala-1:00 ng madaling araw ng maganap ang karambola ng mga sasakyan sa kasagsagan ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nawalan ng control sa manibela ang driver ng Superlines bus na may body number 441 na minamaneho ni Albert Nava, 48, patungong Bicol habang bumabagtas sa zigzag road na lugar  matapos na banggain sa likod ng trailer truck (RMK 220).

Kabilang sa mga sasakyang nasangkot sa karambola ang dalawang forward truck (TXB 402) na minamaneho ni Fructoso Romeral at (RMD 880) na minamaneho naman ni Jose Saudi, isang Isarog bus (TYX 985), isang DLTB bus (UYA 669) at isang wing van truck.

Nakilala ang 12 sa 20 nasawi na sina John Omar Talicol, 33; Nexter, Camacho, Perfecto Zano, Maria Teresa Diesmo, Henry Malaluan, Ronnie Villeja, Noel Nunez, Michael Villamor, Ibjan Rajick, Ronnie Villeja, Muksan Reno at John Omar Palicol, 33 habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng iba pang biktima.

Patuloy namang ginagamot ang mahigit sa 40 sugatan sa apat na hospital na kinabibilangan ng Dona Marta Memorial District Hospital, Emil Joahna Hospital, Gumaca District Hospital at  iba pang hospital sa lungsod ng Lucena.

ALBERT NAVA

ATIMONAN POLICE

CHIEF INSP

DIVERSION ROAD

DONA MARTA MEMORIAL DISTRICT HOSPITAL

EMIL JOAHNA HOSPITAL

FRUCTOSO ROMERAL

GUMACA DISTRICT HOSPITAL

HENRY MALALUAN

RONNIE VILLEJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with