^

Police Metro

5 bata natabunan ng lupa

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natabunan ng lupa mula sa gumuhong bundok ang limang bata habang naliligo ang mga ito sa isang falls sa kasagsagan ng 7.2 magnitude ng lindol na tumama sa Sagbayan, Bohol.

Ayon kay  Sr. Supt. Erwin Pagcalinawan, Chief ng  Community Affairs and Development Division ng Police Community Relations  na naiulat lang kahapon ang insidente dahil sa ‘isolated’ ang lugar at malayo ito sa Tagbilaran City, ang kapitolyo ng Bohol.

Nabatid na ang limang biktima ay naliligo sa waterfalls sa magubat na bahagi ng Sagbayan nang biglang lumindol ng 7.2 magnitude.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Jhonalyn, 13 at kapatid na si Joellene Socorro,11; Jess Marvin, 10; at kapatid na si Meme Jane Empenado, 9; at Reynaldo Sipsip, 15, na pinangangambahan na nalibing nang buhay sa tindi ng pinsalang inabot ng nasabing talon na nabura sa lugar nang matabunan ng gumuhong bundok.

Una ng tinukoy ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na ang Carmen, Bohol ang epicenter ng lindol subalit, sa pagsusuri ay nilinaw nitong Huwebes na sa bayan ng Sagbayan na isa sa matinding napinsala ang sentro ng tinamaan na   nag-iwan ng malaking pinsala sa Central Visayas partikular na sa Cebu at Bohol.

Sa lakas ng lindol na tumama sa Sagbayan ay halos kalahati ng bundok at malalaking tipak na bato ang tumabon sa talon kung saan bigo pa ring matagpuan ang limang bata.

Umaasa ang pamilya ng mga biktima na matagpuan pa ang mga ito.

BOHOL

CENTRAL VISAYAS

COMMUNITY AFFAIRS AND DEVELOPMENT DIVISION

DIRECTOR RENATO SOLIDUM

ERWIN PAGCALINAWAN

JESS MARVIN

JOELLENE SOCORRO

MEME JANE EMPENADO

POLICE COMMUNITY RELATIONS

SAGBAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with