MANILA, Philippines - Naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang negosÂyante sa isang shabu bust operation sa Biliran.
Ang suspek ay nakilaÂlang si Eleodoro Suliva alyas Boy Negro, 28, may asawa, isang self employed entrepreneur ng Brgy. Busali, Biliran.
Ang suspek ay naaresto nang makipagtranÂsakÂsiyon sa isang PDEA agent na umaktong poseur buyer ng shabu at nakumpiska ang dalawang plastic sachet ng shabu, isang black Honda motorcycle at isang P1,000 bill na ginamit sa buy-bust money.