MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 4-anyos na batang babae habang nasa 20 katao ang nasugatan matapos na mauwi sa stampede ang 4P’s relief assistance ni Pangulong Benigno Aquino III na ipinamamahagi ng mga lokal na opisyal sa mga biktima ng lindol kahapon sa Pinamungahan, Cebu.
Kinilala lamang ang bata sa pangalan nitong Shaiza Mia na nadaganan sa stampede matapos isama ng mga magulang nito sa mahabang pila sa 4Ps.
Batay sa ulat, ilang oras matapos ang 7.2 magnitude ng lindol na naitala dakong alas-8:12 ng umaga ay agad namahagi ng Pantawid PamilÂyang Pilipino Program (4Ps) sa mga apektadong lugar sa Cebu.
Ang 4Ps na programa ni Pangulong Benigno Aquino III ay pinangaÂngasiwaan ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Dinky Soliman.
Isinugod naman sa paÂgamutan ang mga nasuÂgatang biktima para malapatan ng lunas.