Nur nasa Pinas pa!

MANILA, Philippines - Hindi nakatakas palabas ng Pilipinas ang wan­ted na si Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari, na itinuturong mastermind sa madugong 20 araw na siege sa Zamboanga City na kumitil ng daang buhay.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima at tsismis lamang umano ang napaulat na ito ay nakatakas na ng bansa patungong Middle East.

Una na ring lumabas ang intelligence report ng militar hinggil sa pag­tatangka ni Misuari na tumakas patungong uma­nong alinman sa Malaysia at Indonesia.

Wala anyang basehan ang nasabing report na kaya’t patuloy ang paghahanap laban dito at sa mga Commanders ng MNLF sa pamumuno ni Comman­der Habier Malik.

 

Show comments