MANILA, Philippines - Muling ipinakita ng isang ama ang kanyang pagÂmamahal nang ito ay maÂpatay matapos na harapin ang mga kaaway ng anak kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.
Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Mary Johnston Hospital ay naÂkiÂlalang si Danilo Panlilio, 47-anyos, ng A. Perla St., Tondo, Maynila dahil sa tinamong 2 saksak sa kaliwang dibdib.
Naaresto naman ang mga suspek na sina Eleazar Vallejos, 35, pedicab driÂver, ng no. 053 Quirino St., Tondo; Melchor Buenaflor, 38, pintor, ng no. 036 Quirino St., Tondo.
Habang nakatakas naman ang isa nilang kasama na hindi pa tukoy ang paÂngalan.
Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:00 ng gabi sa Madrid St., kanto ng Perla St., Tondo, Barangay 121, Zone 9 ay nakikipag-inuman ang biktima at anak na si Jeffrey sa isang binÂyagan nang lumusob ang suspek na si Vallejos.
Dito ay kinompronta ni Vallejos si Jeffrey hinggil sa hindi pagkakaunawaan sa isang video karera sa lugar.
Umawat ang biktima at piÂnaalis nito ang anak upang makaiwas sa away na kinagalit ni Vallejos na nagbanta ito na babalik at papatayin ang una.
Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik si Vallejos, kasama si Buenaflor at isa pang lalaki at pinagtulungang saksakin ang biktima hanggang sa humandusay.
Nabatid sa pulisya na bagong opera lang ang biktima dahil sa nakitang tahi nito na sugat kanang dibdib.
Ang biktima ay dinala sa nasabing ospital, subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.