MANILA, Philippines - Ang sobrang pagkaselos ng isang mister sa kanyang misis na pinaghihinalaan nito na may ibang lalaki ang naging dahilan upang putulin nito ang kanyang ari na naganap kamakalawa sa Brgy. Tabok, ManÂdaue City, Cebu.
Ang biktima na nasa kritikal na kondisyon sa ospital ay nakilalang si FeÂderico Ilustrico, 46-anÂyos, residente sa nasabing lugar.
Sa ulat ni Brgy. Tabok Chairman Jun Suico, na ang insidente ay naganap sa pagitan ng alas-11:00 hanggang alas-12:00 ng tanghali sa likod ng bahay ng biktima na may 100 metro ang layo sa barangay,
Nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at misis nito na si Narcisa, 40-anyos dahil sa hinihinala ng una na may iba itong lalaki.
Upang matigil ang pagÂtatalo ay nagkulong sa silid si Narcisa habang ang tumakbo naman sa likod ng kanilang bahay ang biktima.
Dito ay inilabas ang kutsilyo at hiniwa ang ari, subalit dahil sa mapurol ay kinuha naman ang nakatagong blade at naputol nito ang ari na kung saan ang naputol na bahagi ng ari ay itinapon.
Nagkataon naman na may nakakitang mga barangay tanod sa biktima kung kaya’t isinugod ito sa ospital na kung saan ay maraming dugo ang nawala.
Hindi na matagpuan sa lugar ang pinutol na ari na hinihinalang nilapa na ng mga asong gala at maaari rin umanong itinapon sa ilog ng biktima.
Ang biktima ay dating pasyente sa psychiatric ward ng Vicente Sotto Memorial Medical Center sa Cebu City kaya’t maaaring nawalan ito sa katinuan kaya’t nagawang putulin ang ari.