MANILA, Philippines - Dalawang barker ang bumulagta makaraang pagbabarilin ng rinding-in-tandem sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Ang unang biktima ay nakilalang si Michael Campillos, 30, nakatira sa Barangay 659-71 Zone 8, Arroceros St., Ermita, Maynila na nalagutan ng hininga sa Gat Andres Bonifacio Memorial MeÂdical Center (GABMMC) sa Tondo, Maynila, dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sa ulat ni PO3 Lester Evangelista, ng Manila Police District-Homicide Section, binaril ang bikÂtima dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa sa harap ng Manila City Hall habang nagtatawag ng mga pasahero ng mga dyip na may biyaheng Baclaran.
Ayon sa report, dalawang hindi pa nakilalang suspek na sakay ng isang motorisiklo ang lumapit sa biktima at walang sabi-sabing pinaputukan.
Nagawa pang isugod sa pagamutan si Campillos, pero nalagutan din ito ng hininga dahil sa tama ng bala sa katawan.
Ang ikalawang insiÂdente ay naganap sa GeÂronimo St., Barangay Sta. Monica, Novalichez, Quezon City kung saan ang biktima ay kinilalang si Jayson Bautista, 23.
Ayon kay PO2 Marlon Dela Vega ng Quezon City Police District, naganap ang pamamaril kay Bautista ganap na alas-7:45 ng gabi.
Naglalakad umano ang biktima nang pagbabarilin ng riding-in-tandem at nang bumulagta ito sa kalsada ay mabilis na tumakas ang dalawang salarin.
Naisugod naman sa Novaliches District Hospital ang biktima, pero idineklara rin itong dead on arrival.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa magkasunod na insidente ng pamamaril ng riding-in-tandem sa dalawang barker.