^

Police Metro

Bangkay isinilid sa cabinet… sanggol dinedbol ng nanay

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang bagong silang na sanggol ang walang awa umanong pinagsasaksak ng sariling ina at pagkatapos ay isinilid sa plastic ang bangkay at itinago sa cabinet naganap kamakailan sa Lipa City, Batangas.

Batay sa naantalang ulat ni P/Supt. Jacinto Malinao, hepe ng pulisya ng lungsod na ito na ang krimen ay nangyari dakong alas-8:09 ng gabi noong Miyerkules.

Ayon kay Malinao, na isang security guard ng isang ospital ang nagreport sa kanila ukol sa isang bagong panganak na sanggol na babae na duguang dinala at tila patay na ito.

Agad na pinuntahan ng pulisya ang ospital at dito ay nakumpirma nila na pinatay ang sanggol ng sariling ina na nakilalang si Marieta Salazar, 20, dalaga, housemaid ng Sitio Sto.Toribio, Barangay Marauoy ng lugar na ito.

Sa salaysay ng kapitbahay ni Salazar na si Melody Melo, nagpunta siya sa bahay ng una dahil may itatanong siya dito.

Subalit, nang silipin ang loob ng bahay ay nakita niyang nakasandal ito sa dingding na parang pagod na pagod habang duguan ang harapan.

Pumasok si Melo sa bahay na awang-awa  sa hitsura ni Salazar na ayaw magsalita kaya’t nagpasiyang dalhin sa ospital ngunit pagbukas nito ng cabinet upang kumuha ng damit ay nakapa nito ang isang supot napasigaw ito nang makitang sanggol ang nasa loob na tadtad ng saksak ang tiyan at ulo habang nakapulupot sa leeg nito ang pusod.

Tumakbong lumabas si Melo at humingi ng tulong sa mga kapitbahay na siyang nagdala sa mag-ina sa ospital na siya namang nakipag-ugnayan sa pulisya.

Agad na ipinalibing ng pulisya ang sanggol habang ipinasuri rin ang ina nito na hindi pa rin kumikibo na pinaniniwalaang naapektuhan ang utak.

vuukle comment

AYON

BARANGAY MARAUOY

BATANGAS

JACINTO MALINAO

LIPA CITY

MARIETA SALAZAR

MELO

MELODY MELO

SALAZAR

SITIO STO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with