MANILA, Philippines - Sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa umano ang isang snatcher sa mga pulis na humahabol sa kanya kamakalawa ng gabi sa Pasig City.
Namatay habang dinaÂdala sa Rizal Medical Center ang suspek na si Idah Kalib, 55, alyas Chong, binata, residente ng Vicper Compound, Barangay Malinao ng lungsod dahil sa mga tama ng bala sa katawan.
Naaresto naman ang kasamahan nito na si JaÂmal Baud, 37, pirated DVD vendor ng Eusebio Bliss Compound, West Bank Road, Brgy. Maybunga ng lungsod.
Narekober kay Baud ang isang .38 kalibre ng baril at limang bala habang ang nasawing si Kalib ay nakuhanan ng isang kulay itim na PietÂro Beretta .9mm pistol at isang magazine na puno ng mga bala.
Bago naganap ang baÂrilan dakong alas-7:45 ng gabi sa Vicper Compound ay isang Thelma Nami na biktima ng snatching ang nagreklamo sa Police Community Precinct 31, sanhi upang agad na rumesponde ang mga miÂyembro ng Pasig City Police Follow up at Special Weapon and Tactics team.
Nasa akto umanong hinahabol ni PO2 Facundo Tagbalay ang itinurong suspek na si Kalib ng nagpaputok ito ng baril.
Hindi tinamaan ang mga pulis kung kaya’t gumanti ng putok na nagÂresulta sa pagkamatay ni Kalib at pagkakaaresto kay Baud.