MANILA, Philippines - Isang malalim na saksak sa dibdib ang naging dahilan ng kamatayan ng isang 46-anyos na mister matapos na siya ay saksakin ng kalaguyo ng kanyang misis nang mahuli niya ang mga ito na katatapos lang magtalik sa kanilang kuwarto kamakalawa ng gabi sa Brgy. East PobÂlaÂcion, Zamboanga Del Norte.
Ang biktima na naÂmaÂÂtay noon din dahil sa tinamong malalalim na saksak mula sa 10.5 inches ng hunting knife sa dibdib ay nakilalang si Virgilio Nitre, pedicab driver.
Naaresto agad ang susÂpek na si Tolentino Sugabo, 42, hiwalay sa asawa at residente ng Brgy. Buenavista, Mutia, Zamboanga Del Norte.
Batay sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi sa silid ng mag-asawa sa nasabing lugar ay sandaÂling umuwi ang biktima upang dalhan ng pagkain ang dalawa nitong anak na sina Mark Lester, 17-anyos at Juanever, 16.
Laking gulat nito pagpasok niya sa kuwarto niÂlang mag-asawa ay naaktuhan nito ang suspek na nagsisiper ng pantalon habang ang misis nitong si Diana Dinopol, 47, ay hubo’t hubad na nakahiga sa kama.
Dahilan para sumiklab ang galit ng biktima at sinugod ng suntok ang kalaguyo ng asawa.
Subalit, gumanti ang suspek na may dala palang hunting knife at inundayan nang sunud-sunod na saksak ang biktima na napuruhan sa kaniyang dibdib at duguang bumulagta sa sahig.
Mabilis namang tumakas ang suspek, pero naaresto rin ng mga otoridad sa isinagawang follow-Âup operation sa Brgy. Don Jose Aguirre ng nasabing bayan.