MANILA, Philippines -Napatay sa isang sagupaan sa Basilan sina Capt. Harold Camazo, Commanding Officer ng 11th Scout Ranger at isang enlisted personnel nang makasagupa ang hindi pa madeterminang bilang ng nagsanib puwersang mga bandidong Abu Sayyaf Group at BangsaÂmoro Islamic Freedom FighÂters (BIFF) sa Ungkaya Pukan, Basilan kahapon ng tanghali.
Batay sa ulat, bandang alas-11:26 ng tanghali nang makasagupa ng tropa ng 11th src na nagsasagawa ng clearing operation sa Brgy. Materling, Ungkaya Pukan ang hindi pa madeterÂminang bilang ng mga bandido.
Sa kasagsagan ng bakbakan ay minalas na masapul ng tama ng punglo si CaÂmazo at isa pang sundalo na ikinamatay ng mga ito.
Nagsiatras naman sa bakbakan ang mga bandiÂdo na pinaniniwalaang nalagaÂsan rin ng puwersa sa ilang oras na sagupaan.
Patuloy naman ang isinaÂsagawang clearing operaÂtions ng tropa ng mga sundalo upang hanapin ang mga nalagas sa panig ng mga kalaban na posibleng inaÂbandona ng kanilang mga kasamahan.