LTO chief itinangging sinibak ni P-noy

MANILA, Philippines - Itinanggi ni outgoing Land Transportation Office (LTO) Chief Virginia Tor­res na siya ay sinibak ni Pangulong Noynoy Aquino, bagkus siya ay nagpaalam noong Setyembre 30 na magreretiro na lamang sa posisyon makaraan ang tatlong taong serbisyo sa ahensiya.

Ito ang reaksyon ni Torres sa ulat na kinausap siya kamakailan ni Pangulong Aquino para lisanin na nito ang kanyang puwesto bunga ng pagkadismaya ng pagpasok nito sa casino.

Nabatid pa na kahit na kumuha pa si Torres ng ka­anak ni P-Noy para magback –up sa kanya para  bigyan siya ng second chance, hindi nito nakumbinsi ang Pangulo kahit ito ay nag­pa­liwanag kamakailan kaugnay ng kotrobersiya.

Nakiusap na lang daw si Torres sa Chief executive na magkaroon ito ng graceful exit kayat minabuting  magretiro ng una na agad namang tinanggap ni Pa­ngulong Aquino.

Magugunita na una nang tinanggal bilang miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) dahil hindi kinokonsinti ng religious group ang pagka-casino ng sinumang miyem­bro na isa pang opisyal ng gob­yerno.

Show comments