MANILA, Philippines - Isang nanay ang waÂlang awang pinagtataga ng sariling anak matapos ang kanilang mainitang pagtatalo kamakalawa sa Brgy. Danan,Vincenzo Sagun, Zamboanga del Sur.
Ang biktima na nasa kritikal na kalagayan sa ProÂÂvincial Hospital sa MarÂgoÂÂsatubig ng lalawiÂgan ito ay nakilalang si Francisca Dihelo, tinataÂyang mahigit 50-anyos na nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang baÂhagi ng katawan partikular na sa bahagi ng kaniyang ulo.
Nadakip ng mga otoriÂdad sa isang follow-up opeÂrations ang anak nitong si Junrey Dihelo, 24, magsaÂsaka at residente rin ng naÂÂÂsabing lugar.
Sa ulat, bago naganap ang insidente sa loob ng tahanan ng biktima sa Purok Lumboy, Brgy. Danan ng nabanggit na bayan dakong ala-1:00 ng hapon ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo mag-ina sa hindi pa malamang kadahilanan.
Napikon ang suspek at pumunta ito sa kusina at kinuha ang nakasabit na itak at pinagtataga ang nasorpresang ina.
Nang humandusay ang ina ay mabilis na tumakas ang suspek, subalit nasakote rin ito ng mga opisyal ng barangay bandang alas -11:30 ng gabi at agad na itinurn-over sa himpilan ng Vincenzo Sagun Municipal Police Station (MPS) na pinagharap ng kasong kriminal.