2 Patay, 30,000 katao apektado ng flashflood

MANILA, Philippines - Sanhi nang pananalasa ng malakas na pag-ulan dulot ng ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa  Central Visayas ay dala­wang katao ang naiulat na nasawi habang 30,000 katao ang apek­tado.

Ayon sa ulat kahapon ng Office of Civil Defense (OCD) Region 7 umaabot sa mahigit  6,000 pamilya o katumbas na 30,055 katao ang naapektuhan ng matinding pagbaha sa Negros Oriental.

Isa sa mga nasawi ay tinukoy sa pangalang Panorio Bacurio na inanod ng baha sa Brgy. Villa­real, Bayawan City at nasa 2,000 residente ang apektado sa lungsod ng Bayawan.

Nabatid na umapaw ang pinakamalaking ilog sa Bayawan City ng lalawigan bunsod upang lumubog ang maraming mga barangay sa mga bayan ng Hinobaan, Isabela at ma­ging sa mga lungsod ng Kabankalan, Sipalay at Himamaylayan na kumitil ng buhay ng 2 katao.

Iniulat rin ang mga pag­baha sa bayan ng Sia­ton, Mabini, Sta. Catalina at Dumaguete City habang limang barangay naman ang apektado sa Kabankalan City at nasa 100 pamil­ya ang inilikas dito.

Pitong barangay naman sa Zamboanga City ang apektado ng pagba­ha dulot ng ilang araw na  malalakas na pag-ulan sa lungsod na nakaapekto sa may 2,000 residente.

 

Show comments