^

Police Metro

‘Devil costumes’ sa Halloween ibawal sa bata

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi umano marapat na pinagdadamit ng mga nakatatakot na costumes ang bata sa pagsapit ng Halloween sa bansa bagkus ay dapat na mga costume na lamang ng mga Santo at mga martir upang ma­ging isang mabuting halimbawa at impluwensiya na maaring tularan.

Ito ang nais ng religious group na Prayer Warriors of the Holy Souls (PWHS) na may layuning ibalik ang pagiging banal ng Halloween sa bansa.

Ayon kay PWHS spiritual director Fr. Michell Joe Zerrudo, sa halip na mga nakakatakot na kasuotan tulad ng mga zombie at  Dracula costume ay dapat na pagsuotin ng mga pangbanal na costume ang mga bata.

Ipinaliwanag ni Zerrudo na ang pagdadamit sa mga bata bilang mga zombies, devils at mga multo para sa Halloween ay nagbibigay ng maling impresyon ng mga ito na ang masamang espiritu ay nakatutuwa at mistula ring natatanim sa isip ng mga bata na walang masama sa paggaya sa mga ito.

Naniniwala rin si Zerrudo na kailangang paalalahanan ang mga bata na ang pagsunod sa turo ni Kristo.

Nabatid na isinusulong ng PWHS ang “March of  Saints” practice na isang kampanya na nagsusulong nang pagpapagamit sa mga bata ng mga kasuotang pang-santo at pang-martir, sa panahon ng Hallo­ween sa halip na mga nakaugaliang nakakatakot na costumes.

 

AYON

BATA

DRACULA

IPINALIWANAG

MICHELL JOE ZERRUDO

PRAYER WARRIORS OF THE HOLY SOULS

ZERRUDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with