Biyahe sa Indonesia at Brunei P14.3-M baon ng pangulo
MANILA, Philippines - Kabuuang P14.3 Milyon ang baon ng delegado ni Pangulong Benigno Aquino lll sa kanilang biyahe sa Indonesia at Brunei.
Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, nasa Bali, Indonesia na si Pangulong Aquino kahapon upang dumalo sa APEC Summit mula Oct. 7-8.
Sinabi naman ni Presidential Communications Group Sec. Ricky Carandang na susulitin ng PaÂngulo ang pagdalo sa APEC upang maisulong ang interes ng Pilipinas.
Didiretso naman si PNoy sa Brunei sa Oct 9-10 para dumalo sa ASEAN Summit.
Kabilang sa 84-man delegation ni Pangulo ay sina Finance Sec. Cesar Purisima, DTI Sec. Gregory Domingo, NEDA chief Arsenio Balisacan, Secretary to the Cabinet Rene Almendras at PMS chief Julia Abad.
Nauna naman sa Bali sina Sec. Carandang at Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario.
Nakatakdang bumalik sa bansa ang Pangulo sa Oct. 10 pagkatapos ng kanyang 2 magkasunod na biyahe.
- Latest