^

Police Metro

Handa kaming maging BEI’s – PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police (PNP) na magsilbi bilang mga Board of Election Inspectors (BEI’s ) sa mga lugar na tinanggihan ng mga guro ang nasabing trabaho bunga ng matinding banta sa seguridad kaugnay ng gaganaping Brgy. elections sa darating na ika-28 ng Oktubre . Ayon kay PNP-Public Information Office (PNP-PIO) Chief Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac, bilang deputado ng Comelec ay handa namang tumalima ang PNP sa anumang ipag-uutos ng komisyon.

Nabatid na nababahala ang mga guro na magsilbing BEI’s sa Maguindanao dahilan sa bantang panggugulo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) bukod pa sa iba pang mga armadong grupo ng mga naglalabang kandidato sa lalawigan. Sinabi  ni Theodore, hindi ito ang unang pagkakataon na nagsilbing BEI’s ang PNP sa halip ay noong mga nakilipas na halalan sa bansa ay ginagawa na  nila ang nasabing trabaho, kapalit ng mga guro.

Aniya, handa ang PNP na bigyang proteksyon ang mga guro na magsisilbing BEI’s  kasabay ng paniniyak na gagawin ng pulisya ang lahat upang matiyak ang mapayapa at matiwasay na halalang pambarangay.

 

ANIYA

AYON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

BRGY

CHIEF SR. SUPT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUBLIC INFORMATION OFFICE

REUBEN THEODORE SINDAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with