MANILA, Philippines - Tatakas umano paÂtuÂngo ng bansang MaÂlayÂsia si Moro NatioÂnal LibeÂration Front (MNLF) founder Nur Misuari, ang itinuturong mastermind sa ZamÂboanga City siege.
Sa phone interview, sinabi ni 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Sulu Commander Col. Jose Johriel Cenabre, lahat ng mga lugar na posibleng daanan sa pagtakas ni Misuari ay mahigpit nilang binabantayan.
Ayon kay Cenabre, sa kanilang pinakahuling monitoring ay nagtatago si Misuari sa isang lugar sa Sulu na tumanggi muna nitong tukuyin kaugnay ng isinasagawang dragnet opeÂrations ng security forÂces laban sa MNLF founder.
Ang hakbang ay kasunod naman ng ipinalabas na search warrant ng korte laban kay Misuari na sinampahan na ng kasong rebelyon at paglabag sa Republic Act 9851 o ang Crime Against International Humanitarian Law, genocide at iba pa.
Si Misuari ang itinutuÂrong utak ng pagsalakay ng 5 Commander ng MNÂLF sa pamumuno ni HaÂbier Malik na naglunsad ng siege sa anim na barangay malapit sa tabing dagat ng Zamboanga City noong Setyembre 9 kung saan ang krisis ay nagtagal ng 20 araw.
Nabatid pa na maging ang mga barko ng Philippine Navy ay mahigpit na ring ikinokordon ang kaÂragatan ng Sulu hanggang Tawi-Tawi upang mapigilan ang posibleng pagtakas ni Misuari na ginawa na nito matapos ang pag-atake sa Cabatangan Complex sa lungsod din ng Zamboanga.
Ang Zamboanga City siege ay kumitil ng 24 buhay ng security forces habang 194 ang nasugatan, 12 ang patay sa sibilyan at nasa 192 namang MNLF fighters ang napaslang.