^

Police Metro

Mansion ni Misuari binomba ng pulisya

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Nagsagawa ng pagsalakay ang pulisya at pinasabugan ng bomba ang gate ng mansion  ni Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari sa Zam­boanga City kahapon ng  madaling-araw.

Ang pagpapasabog sa gate ni Misuari ay kasunod ng ipinalabas na warrant of arrest ng korte sa kasong rebelyon laban kay Misuari at 83 pa nitong kasamahan kaugnay ng halos 3 linggong siege sa Zam­boanga City. 

Sinabi ni PRO 9 Spokesman Chief Ins­pector Ariel Huesca, bandang alas-4:30 ng madaling-araw nang isa­gawa ng mga otoridad ang raid sa bahay ni Mi­suari sa Brgy. San Roque ng lungsod.

 â€œKumakatok kami dun sa concrete gate ng bahay ni Misuari  to serve the warrant of arrest against him, walang sumasagot at wala ring nagbubukas so we decided to apply explosives”, pahayag ni Huesca.

Nitong Huwebes ng hapon ay sinampahan na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 9 sa Zamboanga City Pro­secutors Office ng kasong rebelyon at paglabag sa Republic Act 9851 o ang krimen laban sa International humanitarian law, genocide at iba pa si Misuari.

Sa nasabing raid ay nabigong natagpuan sa loob ng kaniyang mansion si Misuari habang nakasamsam ang mga otoridad ng iba’t ibang  eksplosibo sa bahay nito.

Inihayag pa ng opisyal na si Misuari ang ikalimang batch sa grupo ng mga opisyal at miyembro ng MNLF na sinampahan ng kasong kriminal kaugnay ng gulong nilikha sa Zamboanga City na ikinasawi ng 24 security forces habang 194 naman ang nasugatan. Umaabot naman sa 192 MNLF fighters ang napaslang habang 254 ang sumuko at naaresto.

ARIEL HUESCA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

MISUARI

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NITONG HUWEBES

NUR MISUARI

REPUBLIC ACT

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with