Mayor ng norzagaray dinisqualify

MANILA, Philippines - Dinisqualify ng Commission on Election (CO­MELEC) ang isang Mayor sa lalawigan ng Bulacan dahil sa umano’y malawakang vote buying na ginawa nito noong nakalipas na May 2013 midterm election.

Sinabi ni COMELEC Commissioner Lucenito Tagle, dinisqualify ng Co­melec 1st division si Nor­za­garay Mayor Alfredo Germar.

Ayon kay Tagle, maaari pang iapela ni Germar ang desisyon ng Comelec 1st division sa pamamagitan ng paghahain ng motion for reconsideration sa CO­MELEC en banc.

 

Show comments