MANILA, Philippines - Ipinagharap kahapon ng kasong plunder ng National Bureau of Investigation (NBI) sa tanggapan ng Ombudsman si dating PaÂngulong Gloria Macapagal-Arroyo (GMA) at kaugnay ng P900 million Malampaya fund scam.
Maliban kay GMA, kinasuhan din sina dating ExeÂcutive Secretary, Eduardo Ermita, dating Budget SecreÂtary Rolando Andaya at dating Agrarian Reform Secretary Nasser Pangandaman, dating Agrarian Reform Undersecretary Rafael Nieto, DAR finance officer Teresita Panlilio, Budget Undersecretary Mario Relampagos.
Maging ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles na pinuno ng umano’y mga bogus non-governmental organizations ay kinasuhan din.
Sinasabing ang P900-milyong pondo ay dapat na nailaan sa mga benepisyaryo ng nagdaang kalamidad sa bansa partikular ng bagyong Ondoy noong 2009 pero napunta lamang umano ang pondong ito kay Napoles sa pamamagitan ng mga pekeng NGO’s nito.