New ‘evil’ ang DAP – Obispo

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani na bagong ‘evil’ ang Disbursement Acceleration Program (DAP) ng Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Bis­hop Bacani, isa sa mga nag-framework ng 1987 constitution na illegal at labag sa Saligang Batas ng Pilipinas ang DAP.

Aniya, bukod sa illegal sa konstitusyon ay kuwestiyunable din ang paggamit ng DAP dahil ginamit itong pang-bribe sa mga Senador para masunod ang kagustuhan ng Pangulong Aquino na ma-impeach si  dating Chief Justice Renato Corona.

Itinuturing din ng Obispo na “injustice” ang DAP dahil wala namang proyekto na pinaglaanan ng bilyun-bilyong pisong pondo kundi ipinang-suhol lamang sa mga mambabatas.

Kaugnay nito, hinamon ni Bishop Bacani ang Pangulong Aquino na gumawa ng decisive action sa nabunyag na maling paggamit sa DAP at parusahan kung sino ang nagkamali.

Duda din ang Obis­po kung ang Department of Budget and Management lang ang kumilos para ipamudmod ang DAP sa mga Senador ng walang go-signal mismo ng Pa­ngulong Aquino.

Pinayuhan ni Bis­hop Bacani ang Pa­ngulong Aquino na resolbahin ang isyu sa DAP dahil demora­lized at galit na galit na ang taongbayan sa ginagawang pagwawaldas ng gobyerno sa kaban ng bayan.

 

Show comments