3 kabataan tinangay ng alon

IBA, Zambales, Philippines – Tatlong kabataan ang nalunod matapos tangayin ng ma­­la­king alon habang naliligo sa baybayin ng Barangay Bangantalinga sa bayang ito noong Linggo at na-ret­rieve ang isang biktima kahapon na kinilalang si Laarni Dumapit, 22, ng Mambog, Botolan.

Patuloy pang pinaghahanap ang dalawang kasama nito na sina Ralph Jor­dan Benliro, 18, ng Ba­rangay Taugtog, Botolan at Genevaz Edora, 17, ng Zone 3, Iba na pinaniniwalaang patay na rin.

Show comments