Abad pinagpapaliwanag sa DAP
MANILA, Philippines -Dapat anyang ipaliwanag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad ang umano’y pinaÂmigay nito na P10 milÂyon at P50 milyon na DisÂbursement Acceleration Program (DAP) sa mga mambabatas noong CoroÂna impeachment trial.
Ayon kay independent minority block leader Ferdinand Martin Romualdez at Buhay partylist Rep. Lito Atienza, ang nabunÂyag na extra pork sa mga mambabatas ay mas nagbibigay umano ng dahilan na i-itemized ang budget na hinahawakan ng panguÂlo para sa transpaÂrency at accountability ng mga public funds upang maiwaÂsan ang mga pang-aabuso sa paggamit ng lump sum funds lalo na ngayon sumabog na naman ang panibagong kontrobersya sa pamimigay umano sa mga kongresista ng nasabing halaga.
Inakusahan naman ni Navotas Rep. Toby Tiangco si Abad na sinungaling dahil wala naman umano siyang natanggap na ganun pondo dahil hindi naman siya nagbigay ng suporta sa pagpapatalsik kay Corona.
Giit ni Tiangco maliÂnaw na ito ay Corona stiÂmulus fund o pabor sa mga mambabatas na buÂmoto para mapatalsik ang dating punong mahistrado.
- Latest