MANILA, Philippines - Isang 56-anyos na obrero ang nasawi matapos magtamo ng mga maÂtiÂtinding paso sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan nang sumabog ang isang boiler sa loob ng plywood company na pinagtratrabahuhan nito kamakalawa sa Brgy. Manapa, Buenavista, Agusan del Norte.
Ang nasawi ay kinilaÂlang si Morillo Angob Eleodar, biyudo, ng New Society Village sa lungsod ng Butuan.
Batay sa ulat, kamakalawa ng hapon naitala ang pagsabog ng boiler department ng Agusan Plywood Corporation na matatagpuan sa Brgy. Manapa, Buenavista ng lalawigan.
Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng overheat ‘board dustbin’ sa pressure ng natuÂrang boiler na nagbunsod sa pagsabog kung saan nasapul ang biktima.