^

Police Metro

LPG blast: Buntis na ginang, 2 anak todas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakasunod na binawian ng buhay sa Philippine General Hospital ang isang 34-anyos na ina na 7-buwang buntis at dalawa nitong anak na paslit matapos na tamaan nang sumabog na tangke ng liquified petroleum gas (LPG) sa Tondo, Maynila naganap kamakailan.

Unang binawian ng buhay ang 6-anyos na si Sean at kahapon ay magkasunod na namatay ang  ina na si Jenny Nery, at anak na si Saina, 3-anyos pawang mga residente ng no. 1647 F. Varona St., Tondo.

Batay sa ulat ng Arson Division ng Manila Fire Bureau, dakong alas -9:30 ng gabi noong Setyembre 25 nang bigla umanong sumabog ang LPG ng pamilya.

Tinamaan ang mag-iina ng mga pira-pirasong  bakal ng LPG sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na kaya umano sumabog ang LPG ay dahil sa kulob ang lugar na kung saan ay walang ha­ngin na pumapasok sa inu­upahang silid ng mag-iina.

Iimbestigahan din kung depektibo ang nasabing tangke ng LPG na naging dahilan ng pagsabog nito.

Wala naman nadamay na bahay sa pagsabog at unang isinugod ang mag-iina sa Mary Johns­ton Me­dical Center, bandang alas-9:45 ng gabi, at kinabukasan ay inilipat sila sa PGH, na kung saan ay sunud-sunod na namatay.

Tumanggi ang mga ka­anak na paimbestigahan pa ang pangyayari.

ARSON DIVISION

BATAY

IIMBESTIGAHAN

JENNY NERY

LUMALABAS

MANILA FIRE BUREAU

MARY JOHNS

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

VARONA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with