^

Police Metro

‘Carless Day’ ipinatupad sa Pasig

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpapatupad ng ‘carless day’ sa mga pangunahing kalsada kada linggo ang pamahalaang lungsod ng Pasig.

Pinasimulan kahapon ang proyekto na pinangasiwaan ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) kung saan ay bawal ang mga motorized vehicle sa MRR Road sa Brgy. Pineda mula ala-6:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali.

Ang Carless day, Weekly bike day at Health day ay adbokasiya ng lungsod sa pamumuno ni Mayor Maribel A. Eusebio, City Council at CENRO na gumamit ng alternatibong sasakyan bilang transportasyon kabilang ang bisikleta, skateboards at scooters, alinsunod sa city ordinance na isinusulong ang healthy at environmentally sound mode of transportation.

Ang programa ay pangatlo ng pagkakataon na isinagawa na unang ipinatupad sa kahabaan ng  Ortigas Jr. road, sa Brgy San Antonio, na kauna-unahan sa Metro Manila na magpatupad ng carless day policy kasunod ang Brgy. Malinao sa harapan ng  Pasig City Hall.

Base sa ulat, 70% ng  air pollution sa Metro Manila ay nagmumula sa smoke belching vehicles na nakakasira sa kalusugan, productivity at resources na siyang pangunahing sanhi ng  climate change.

 

ANG CARLESS

BRGY

BRGY SAN ANTONIO

CITY COUNCIL

CITY ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES OFFICE

EUSEBIO

MAYOR MARIBEL A

METRO MANILA

ORTIGAS JR.

PASIG CITY HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with