MANILA, Philippines - Hinihiling ng pamunuan ng Armed Force of the Philippines (AFP) sa mga residente ng Zamboanga City na naapektuhan ng krisis na huwag munang umuwi sa kani-kanilang mga tahanan sa halip ay manatili muna sa evacuation center haÂbang isinasagawa ang clearing operation.
Sinabi ni Lt. Col. Ramon Zagala, hepe ng AFP public affairs office, posible umanong nag-iwan ng bomba ang mga miyemÂbro ng Moro National LiÂberaÂtion Front (MNLF) sa kanilang tahanan at ang masamang epekto sa kanilang kalusugan dahil sa mga naagnas na bangkay sa lugar.
Ayon kay Zagala, puspusan ang ginagawang paglilinis ngayon ng tropa ng pamahalaan sa mga barangay na naapektuhan ng bakbakan.
“We have to look carefully under the rubble, in the houses. We are looÂking at 30 to 40-hectare stretch of rubble,†ayon kay Zagala.
Inihayag ni Zagala na gagawin nila ang kanilang makakaya para matugunan ang dalawang linggong palugit o deadline para makumpleto ang clearing operations.
Ang Philippine NatioÂnal Police ang nangunguna sa clearing operation, base na rin sa napagkasunduan, pero nananatiling nakaantabay sa lugar ang puwerÂsa ng militar hanggang hindi natatapos ng PNP ang kanilang trabaho.