Pahinante binoga sa mata, dedo

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 34-anyos na pahi­nante nang barilin sa mata habang naglalakad sa eskinita papasok sa tra­ba­ho ng hindi pa kila­lang suspek kahapon ng madaling-araw sa Port Area, Maynila.

Ang nasawi ay kinila­lang si Renato Legarde, ng Gate 20, Area II, Parola Compound, Port Area, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling-araw habang naglala­kad ang biktima sa es­ki­­­nita sa harapan ng No. 23 Gate 20, Area II, Parola Compound, Port Area nang barilin ng hindi pa kilalang suspek.

 

 

Show comments