MANILA, Philippines - Sa unang araw na implementasyon ng gun ban na ipapatupad ng 45 araw kaugnay ng gaganaÂping barangay elections sa OkÂtubre 28 ay dalawang sibilyan ang naaresto sa inilatag na checkpoint ng pulisya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Isa sa mga naaresto ay si Christian dela Cruz sa checkpoint sa Brgy. Lumang Calsada, Calaca, Batangas nitong Sabado dakong alas-6:00 ng umaga.
Nasamsam mula sa pag-iingat ni Dela Cruz ang isang cal. 45 Armscor na may limang bala.
Dakong ala-1:40 ng madaling-araw kahapon ay nahuli naman ang sibilÂyan na si Anthony Aguilar, sa checkpoint sa Brgy. Lawaan, Roxas City, Capiz at nakumpiska ang isang cal. 38 revolver.
Ang gun ban na nag-umpisang ipatupad kahapon ay tatagal hanggang Nobyembre 12 o 30 araw para matiyak na magiging maayos at matiwasay ang halalan.