^

Police Metro

2 tiklo sa gun ban

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa unang araw na implementasyon ng gun ban na ipapatupad ng 45 araw kaugnay ng gagana­ping barangay elections sa Ok­tubre 28 ay dalawang sibilyan ang naaresto sa inilatag na checkpoint ng pulisya sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Isa sa mga naaresto ay si Christian dela Cruz sa checkpoint sa Brgy. Lumang Calsada, Calaca, Batangas nitong Sabado dakong alas-6:00 ng umaga.

Nasamsam mula sa pag-iingat ni Dela Cruz ang isang cal. 45 Armscor na may limang bala.

Dakong ala-1:40 ng madaling-araw kahapon ay nahuli naman ang sibil­yan na si Anthony Aguilar,  sa checkpoint sa Brgy. Lawaan, Roxas City, Capiz at nakumpiska ang isang cal. 38 revolver.

Ang gun ban na nag-umpisang ipatupad kahapon ay tatagal hanggang Nobyembre 12 o 30 araw para matiyak na magiging maayos at matiwasay ang halalan.

ANTHONY AGUILAR

ARMSCOR

BATANGAS

BRGY

CALACA

CAPIZ

DELA CRUZ

LUMANG CALSADA

ROXAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with