Lalaki napatay sa lamay
MANILA, Philippines - Isang 29-anyos na laÂlaki ang pinaglalamayan matapos na siya ay saksakin ng naging kaalitan sa larong pusoy dos sa lamay ng kalugar kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center dahil sa mga saksak sa katawan ang biktimang si Federico Jorquia, helper, residente ng
no. 229 Mabuhay St., Road 10, Tondo.
Ang suspek na pinagÂhaÂhanap ng pulisya ay nakilalang si Michael Lopez, 40, ng no. 227 Paganapin St., ng nasabing lugar.
Batay sa imbestigasÂyon, dakong alas-2:00 ng madaling-araw nang pumunta ang biktima sa lamay ng namayapang kalugar at habang naroon ay nagkatuwaan umanong makipagpusoy sa suspek na si Lopez at dalawa pang lalaki.
Natalo si Lopez at sa pag-aakala na dinaya siya ng biktima ay sinuntok ito sa mukha.
Umuwi ang biktiÂma at nagsumbong sa kuya nitong si “Sonny†subalit, pinagsabihan lamang siya na huwag nang bumalik sa
lamay at matulog na lamang.
Hindi sinunod ng biktima ang payo ng kuya at nais nitong makaganti at nang bumalik sa lamay ay nakahanda na pala ang suspek na armado ng patalim at agad na sinaksak ng maraming beses sa kaÂtawan.
Tumakas ang suspek nang bumulagta ang biktima.
- Latest