^

Police Metro

Lovers kinatay ng bisita

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng pulisya na ang pumatay sa isang maglive-in na kapwa negosyante ay kanilang bisita dahil sa walang nakitang forcible entry sa inuupahan nilang kuwarto sa Sampaloc, Maynila.

Ang bangkay ng mag-live-in na kapwa nasa state of decomposition ay kinilalang sina Donald Victorino, 45, biyudo, tubong Banangan, Benguet at Jenny Beth Bayeng, 35, ng San Carlos Heights, Baguio City kapwa naninirahan sa  Atty. Ortiz Apartment sa no. 732-G Carola St., Sampaloc, Maynila.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon nang matagpuan ang bangkay ng mag-live-in na kapwa nakatali ang dalawang kamay at dalawang paa na kung saan ay nakabalot ng packaging tape ang mga mukha.

Nabatid na bago na­tagpuang patay ang mag-live-in ay napansin ng isang brgy. ex officer na si Jun Heres, na dakong ala-1:00 ng mada­ling-araw noong Setyembre 24 na nag-aaway ang isang babae at lalaki sa inuupahan at hindi umano niya ito pinansin dahil sa pag-aakalang away mag-asawa lamang.

Bago madiskubre ang krimen ay tumatawag ang  ilan sa mga trabahador  sa cell phone ng mga biktima at dahil hindi makontak ay tinawagan ng mga trabahador ang  kaibigan ni Victorino na si Flor Mendoza na puntahan ang bahay.

Nang katukin ni Men­­doza ang pintuan ay walang sumasagot kung kaya’t napilitan  na gamitin ng duplicate key at  sa pagbukas ng pinto ay nakita niya ang  duguang bangkay ni Bayeng habang sa master’s bedroom naman si Victorino.

vuukle comment

BAGUIO CITY

DONALD VICTORINO

FLOR MENDOZA

G CAROLA ST.

JENNY BETH BAYENG

JUN HERES

MAYNILA

ORTIZ APARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with