Laguna gov hindi siningle out - Comelec

MANILA, Philippines - Hindi umano siningle out si Laguna Governor Emilio Ramon (ER) Ejercito nang ito ay diskuwa­lipikahin noong May 13 midterm elections dahil sa overspending.

Ito ang paglilinaw ni Commission on Election (Comelec) Chairman Sixto Brillantes  dahil naghain din sila ng election offense laban sa gobernador ng Antique na kaanib ng Liberal Party (LP).

Ganito rin naman ang pahayag ni Comelec Spokesman James Jimenez na nagsabing hindi sila nagpapaimpluwensiya sa Malacañang sa kanilang desisyon.

Ang reklamo laban kay Ejercito ay isinampa ng kanyang katunggali na si Liberal Party bet Edgar San Luis, bago pa man matapos ang campaign period sa nakalipas na eleksiyon.

Natuklasan umano nila na gumastos si Ejercito ng P6 milyon sa TV ads pa lamang para sa pangangampaniya gayung ang dapat niyang gastusin sa kanyang buong kampanya ay P4.5 milyon lamang.

Batay umano sa ulat ng PCIJ, ang campaign expenditure ni Ejercito ay lampas ng P19 milyon matapos na gumastos ng mahigit P23 milyon.

May limang araw si Ejercito upang iapela ang desisyon ng Comelec.

Show comments