MANILA, Philippines - Sa ika-20 araw na kaguluhan sa Zamboanga City ay napatay ng tropa ng pamahalaan sa bakbakan kamakawala hanggang kahapon ang may 15 pang miyembro ng Moro National LiÂberation Front (MNLF) fighters.
“We killed 15 members of the MNLF Misuari faction in a single engagement, we have no casualties on the government side†pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala na kasalukuyang nasa ZamÂboanga City.
Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng gabi nang magbakbakan muli ang security forces ng gobyerno at ang nalalabi pang puwersa ng MNLF sa ‘constriction area’ sa Brgy. Sta Barbara at Sta Catalina na tumagal hanggang Biyernes ng umaga.
Umaabot na sa 141 ang napaslang na MNLF, 128 ang nasakote at nasa 146 naman ang sumuko sa tropa ng pamahalaan.
Ayon pa kay Zagala tuluy-tuloy ang isinasagawang clearing operations ng tropa ng pamahalaan laban sa nalalabi pang puwersa ng MNLF na banta pa rin sa seguridad ng mga residente sa mga apekÂtadong komunidad sa lungsod.