^

Police Metro

Ika-20 araw ng bakbakan… 15 MNLF fighters napatay sa Zambo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa ika-20 araw na kaguluhan sa Zamboanga City ay napatay ng tropa ng pamahalaan sa bakbakan kamakawala hanggang kahapon ang may 15 pang miyembro ng Moro National Li­beration Front (MNLF) fighters. 

“We killed 15 members of the MNLF Misuari faction in a single engagement, we have no casualties on the government side” pahayag ni AFP Public Affairs  Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala na kasalukuyang nasa Zam­boanga City.

Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng gabi nang magbakbakan muli ang security forces ng gobyerno at ang nalalabi pang puwersa ng MNLF sa ‘constriction area’ sa Brgy. Sta Barbara at Sta Catalina  na tumagal hanggang Biyernes ng umaga.

Umaabot na sa 141 ang napaslang na MNLF, 128 ang nasakote at nasa 146 naman ang sumuko sa tropa ng pamahalaan.

Ayon pa kay Zagala tuluy-tuloy ang isinasagawang clearing operations ng tropa ng pamahalaan laban sa nalalabi pang puwersa ng MNLF na banta pa rin sa seguridad ng mga residente sa mga apek­tadong komunidad sa lungsod.

AYON

BATAY

MORO NATIONAL LI

OFFICE CHIEF LT

PUBLIC AFFAIRS

RAMON ZAGALA

STA BARBARA

STA CATALINA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with